History of Emiel Deweerdt Pigeon | Racing Pigeon Series ft. Bio Research Bio Pigeons | TUKLASibonPH

Dovital uw gezondheid- en vitaliteitbevorderende producten
181 Bekeken
Med4Pets
Published
Ito ngang si Emiel Deweerdt ay nagsimulang magalaga ng kalapati noong 1947 nang binigyan sya ng 4 na kalapati ng kanyang biyenan.
Ang apat na kalapating ito ang kanyang nagging panimula sa pagkakalapati. Mahusay naman ang apat na kalapati sa malalapit na karera ngunit pagdating ng 300km ay kinakapos na ang mga ito. Katagalan ginusto nga nitong si Emiel na sumali sa mga mas malalayong karera. Kaya naman nagdesisyon siya na bumili ng mga bagong magagaling na ibon na naging panimula ng mga sikat na linyada ng Deweerdt Pigeon. Pumunta nga siya sa loft na halos taon taon nananalo sa karera. Yan ay walang iba kundi ang loft ni Charles Van der espt. Dahil nga sa simpleng manggagawa lang itong si Deweerdt, Para makabili ng ibon kay Van der Espt kailangan niyang magipon ng 5000 belgian franc na kung icoconvert ngayon ay mahigit sa 7 libong piso. Napakalaking halaga na niyan sa panahon na yun. At kung akala ninyo ay sapat na iyon ay nagkakamali kayo dahil binigyan pa siya ng another 5000 belgian franc ng kanyang ama. Kaya naman halos 14 libong piso na iyan sa ngayon na kung iisipin nga ay napakamahal na ibon ang kanyang mabibili para ditto. Ngunit tang mas nakakabigla ditto ang nabili niya sa halagang 10,000 franc o mahigit 14 libong piso ay apat na itlog ng kalapati. Take note around 1950’s ito kaya kayamanan ng maituturing ang halagang ito. Tapos sasabihin ng iba jan ngayon ang mahal ng 1 libong kalapati. Hehehe… Ito rin ang magpapatunay na kung gusto mo ng de kalidad na ibon kailangan mong pagipunan ito. Mabalik tayo… Ingat na ingat nga itong si EMiel sa paguwi ng mga itlog sakay ng kanyang bisikleta. sa apat nga na itlog ay tatlo lang ang napisa pero sa loob ng dalawang taon ito ay nagproduce ng mga Champions. At dito na nga nagsimula na makilala itong si Deweerdt.
#deweerdtpigeon #bioresearch #biopigeons
Log in of aanmelden om een reactie te plaatsen.
Wees de eerste die een reactie plaatst.